Sinabi ng Office of the Ombudsman na hindi awtomatikong nabubura ng recantation o pagbawi ng mga naunang pahayag ng isang saksi.
Tugon ito ng Ombudsman sa pahayag ni Leyte Rep. Martin Romualdez na dapat isaalang-alang ng ahensya ang mga pagbawi ng testimonya ng mga testigo sa mga reklamong isinampa laban sa kanya, kabilang ang plunder, graft, bribery at money laundering.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, dagdag na ebidensya ang recantation at dapat suriin kasama ng dating pahayag upang malaman kung alin sa dalawa ang totoo.
Kinuwestiyon din niya ang mga ulat na may ilang taong binayaran para bawiin ang kanilang mga pahayag at kung bakit may ilan umanong nagtago matapos mag-recant.



