Narekober ng mga awtoridad ang katawan ng 8-anyos na batang lalaki na nalunod sa dagat sa Brgy. 8, Cavite City, kaninang madaling araw, Agosto 27.
Ayon sa ulat, naligo sa dagat ang bata kasama ang dalawa pang menor de edad nang mapunta sila sa malalim na bahagi at tuluyang mawala ang biktima.
Pasado alas-kuwatro ng madaling araw nang makita ng mga residente ang katawan nito malapit sa mga nakadaong na bangka. Pinaniniwalaang inanod siya mula sa lugar kung saan siya huling nakita.| via Jim Tejano


