Sinampahan na ng Philippine National Police (PNP) ng kasong kriminal ang ama ng estudyanteng sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU).
Ayon sa PNP, nahaharap siya sa reckless imprudence resulting in homicide. Kasama rin sa inimbestigahan ang isang security personnel ng naturang paaralan kaugnay ng insidente.
Malinaw umano ang ebidensya ng kapabayaan ng ama matapos makuha ng kaniyang anak ang government-issued at personal niyang mga baril.
Samantala, kinasuhan ang hindi pinangalanang security personnel dahil umano sa kapabayaan at pagpayag na maipasok ang baril sa paaralan.
