Umabot na sa 31 ang bilang ng mga nasawi, 19 ang sugatan, at tatlo ang nawawala dahil sa pinagsamang epekto ng mga Bagyong Luis, Maymay, Neneng, at hanging habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Pinakamarami ang nasawi sa Benguet na umabot sa 15, kabilang ang 10 sa Baguio City, dalawa sa La Trinidad, at tatlo sa Atok, pawang dahil sa landslides.
Aabot naman sa 7.7 milyong katao o 2.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng sama ng panahon.
Tinatayang ₱5.5 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at ₱1.9 bilyon naman sa agrikultura.
📷: Contributed / File
