Pabor ang Malacañang na ipagbawal ang social media at mga gaming platform na mapapatunayang hindi maganda ang naidudulot sa mga Pilipino, lalo na sa mga bata.
Kasunod ito ng pahayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na pinag-aaralan ang pag-block sa Facebook sa Pilipinas dahil sa mga ulat ng online abuse at pagkalat ng fake news.
Ayon sa Malacañang, kailangan munang pag-aralan ang epekto nito bago gumawa ng desisyon. Maaari umanong ipagbawal ang mga platform kung hindi sila susunod sa mga hakbang ng gobyerno upang maprotektahan ang publiko.
📷: UNESCO

