Nanindigan si Vice President Sara Duterte na dapat magpakita ng ebidensya ang mga prosecutor at mambabatas sa mga alegasyon laban sa kaniya sa impeachment trial.
Aniya, hindi sapat ang mga insulto at anumang haka-haka para mapatunayan ang isang impeachable offense.
Iginiit din ni VP Sara na tila mas inuuna ng administrasyon ang impeachment at iba pang political issues kaysa sa mga problema ng baha at kahirapan sa bansa.
📷: Inday Sara Duterte / FB

