Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) na may ilan sa kanilang mga empleyado na sinubukang i-recruit ng China bilang mga espiya.
Ayon kay DND Sec. Gilbert Teodoro, inalok umano ang mga ito ng trabaho tulad ng paggawa ng mga dokumento para sa isang umano’y think tank. Kalaunan, hiningan umano sila ng sensitibong impormasyon.
Napigilan naman ang insidente at walang sensitibong impormasyon ang nakuha. Patuloy ring binabantayan ng ahensya ang posibilidad na maulit ito.


