Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi kailangan ng “theatrics” sa isang matibay na impeachment case.
Aniya, hindi mapatutunayan ang mga alegasyon laban sa kaniya sa pamamagitan ng pag-iinsulto sa mga sangkot sa impeachment trial.
Ayon kay Duterte, ang pagtawag sa isang witness na “stupid,” sa isang abogado bilang “mastermind of a scam,” o pagtukoy sa kaniya bilang “brat” ay hindi nagpapatunay ng kaso at hindi rin lumilikha ng ebidensya.
Dagdag pa niya, ang mga insulto ay nagpapakita umano ng pangangailangang magpanggap na kumpiyansa sa harap ng mahinang presentasyon ng kaso.
📷: Inday Sara Duterte / FB



