Tinatayang P2.2 bilyon at 146 karagdagang pre-audit teams ang kailangan ng Commission on Audit (COA) para maibalik ang pre-auditing ng mga government project.
Nabanggit ang panukala matapos madiskubre ang umano’y mga ghost flood control project. Ayon sa COA, maaaring makatulong ang pre-audit na sinabayan ng geotagging o mapping upang matukoy agad kung aktuwal na umiiral ang isang proyekto bago tuluyang mailabas ang pondo.
Sa kasalukuyan, umaasa ang COA sa fraud audits matapos maisagawa ang mga proyekto dahil kulang ang personnel para sa pre-auditing.
📷: Philippine News Agency

