Mahigpit nang ipatutupad ng Senate Impeachment Court ang Rule 18, na nagbabawal sa mga counsel, senator-judge, witness na magkomento sa publiko tungkol sa merito ng kaso.
Inatasan ni Presiding Officer Sen. Francis Escudero ang mga senador, prosecutor, defense lawyers, witnesses at maging si VP Sara Duterte na iwasan ang mga pahayag tungkol sa paglilitis.
Ani Escudero, hindi na aaksyunan ang mga naunang lumabag at magsisilbi na lamang itong babala.
Sa mga susunod na paglabag, maaaring makatanggap ng public reprimand sa unang pagkakataon, habang P30,000 multa naman ang maaaring ipataw sa ikalawa at mga susunod.
