Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa lima sa siyam na pangunahing dam sa Luzon kasunod ng mga pag-ulan dulot ng mga bagyo at habagat nitong mga nakaraang linggo.
Ayon sa PAGASA, pinakamalaki ang itinaas ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija, na umakyat ng 43 centimeters sa 191.75 metro mula sa dating 191.32 metro.
Tumaas naman ng 29 centimeters ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan, na umabot sa 192.62 metro. May pagtaas din sa Ipo Dam sa Bulacan, maging sa San Roque Dam sa Pangasinan, at sa La Mesa Dam sa Quezon City.
Samantala, bumaba naman ang lebel ng tubig sa Binga at Ambuklao dam sa Benguet, Caliraya Dam sa Laguna, at Magat Dam sa Isabela.
📷: PNA
