Isa nang tropical storm ang Bagyong Pilandok habang namamalagi sa karagatan ng extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA. Wala pa rin itong direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Samantala, ang Bagyong Saudel, o dating Bagyong Obet, ay nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), nasa layong 900 kilometro kanluran ng extreme Northern Luzon. Kumikilos ito pa-silangan-hilagang-silangan sa bilis na 15 km/h.
Mabagal naman ang pagkilos ng LPA 08l na nasa layong kanluran-hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.
Samantala, ang isa pang LPA (08m) ay huling namataan sa layong 2,975 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.
📷: PAGASA
