Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtatayo ang pribadong sektor ng mahigit 16,000 bagong silid-aralan sa Luzon sa pamamagitan ng public-private partnerships (PPPs).
Naka-plano rin umanong ipatupad ang kaparehong programa sa Visayas at Mindanao.
Samantala, muling iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng preventive healthcare, at hinikayat ang mga Pilipino na magpabakuna, kumain ng masustansyang pagkain, regular na mag-ehersisyo, at mamuhay nang mas malusog upang mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot.


