Arestado ang tatlong Chinese national nang matuklasang nagbebenta at nagtatago ng electronic waste ng motherboards sa Camarin, Caloocan City.
Natuklasan ng PNP-CIDG na nagbebenta at nagtatago ng mga motherboard mula sa cellular phones at tablets nang walang kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga suspek.
Ayon sa CIDG, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pagtapon sa motherboards sapagkat ito’y mayroong electronic waste na lubhang delikado sa kapaligiran at kalusugan ng tao, batay sa R.A. No. 6969.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. No. 6969 at R.A. No. 10175 ang mga suspek. | via Vic Somintac
📸: CIDG



