Pumanaw na ang isang college teacher habang ginagamot sa ospital matapos umanong suntukin ng isang 19-anyos na lalaki sa New Washington, Aklan.
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang guro at ang suspek sa isang advance graduation celebration noong Hulyo 26. Sinundan umano ng suspek ang biktima habang pauwi na ito at doon nangyari ang panununtok.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kaso dahil sa pagkamatay ng biktima.
📸: Contributed Photo



