Ayon sa PAGASA, bagama’t nananatiling mamababa ang tiyansang maging bagyo, ang trough ng low pressure area (LPA), magpapaulan ito sa Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Masbate, Sarangani, at South Cotabato.
Huling namataan ang binabantayang LPA sa layong 1,315 km silangan ng Southeastern Luzon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Samantala, maaliwalas na panahon naman ang inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.



