Kalaboso ang isang delivery rider matapos sumibat nang hindi nagbabayad ng pinakargang diesel sa Brgy. Fairview, Quezon City.
Ayon sa pump attendant, nagpakarga ng P450 diesel ang suspek, magbabayad sana ito gamit ang e-wallet, ngunit hindi gumana. Nagdahilan ito sa attendant at sinabing magka-cash out na lamang.
Ilang minuto ang lumipas ay mabilis na tumakas ang suspek. Tumawag ng pulis ang attendant at agad natunton ang suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong estafa.
📸: QCPD Station 5



