Nangamba ang mga estudyante at guro sa General Santos City SPED Integrated School at Buayan National High School sa General Santos City nang makatanggap ng banta ng pamamaril sa paaralan.
Dalawang paaralan ang umano'y nakatanggap ng banta mula sa mga mag-aaral na nakaranas daw ng bullying at bilang ganti ay nagbanta na babarilin ang lahat ng papasok sa paaralan.
Nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad ang Department of Education (DepEd) General Santos City upang matiyak ang kaligtasan sa mga paaralan.
Nag-deploy naman ng mga tauhan mula sa Police Regional Office-SOCCSKSARGEN (PRO-12) upang agarang matiyak ang seguridad dito. Pinaghahanap na ang mga estudyanteng nasa likod ng banta.
📸: DepEd RXII General Santos City SPED Integrated School



