Patay ang isang 22-anyos na lalaki na maghahatid ng parcel matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Roxas, Capiz.
Ayon sa mga awtoridad, maghahatid ng parcel ang biktima nang pagbabarilin ito habang nakasakay sa kaniyang tricycle. Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa likod na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.
Tinitingnan ng pulisya ang mistaken identity bilang posibleng motibo sa krimen. Wala ring naiulat na nawawalang pera o gamit mula sa biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagtukoy sa mga salarin.
📸: Roxas City Police



