Nasawi ang isang 40-anyos na trabahador matapos pagbabarilin habang nagtatrabaho sa isang palm plantation sa Brgy. Kapaya, Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Hulyo 30.
Ayon sa pulisya, nagkakarga ng mga bunga ng palma ang biktima kasama ang kaniyang mga katrabaho nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek. Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen. | via Jannice Ann Cabaña


