Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license at registration ng mga sasakyan na nag-expire simula noong Hulyo 1 dahil sa naging aberya at pagbagal ng Land Transportation Management System (LTMS).
Kasama rin sa extension ang conductor’s license, student-driver’s permit, at medical certificate.
Sinabi ng LTO na walang late fees o multa na ipapataw sa mga renewal habang umiiral ang kautusan hanggang tuluyang maayos ang naturang sistema.




