Itinanggi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na humiling siya ng “ceasefire” kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng kanilang alitan sa umano’y maanomalyang mga flood control project sa Taguig City.
Ito ay kasunod ng social media post ni Lacson kung saan sinabi niya na may isang senador na umano’y “pabulong” na humihiling ng ceasefire, bagama’t wala itong binanggit na pangalan.
Gayunpaman, iginiit ni Cayetano na mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga isyu tulad ng mataas na presyo ng kuryente at langis, online gaming, at vape. Dagdag pa niya, handa siyang harapin ang anumang alegasyon laban sa kaniya.
📸: Senate



