Sa ika-14 na magkakasunod na taon, muling nakatanggap ang Pag-IBIG Fund ng pinakamataas na audit opinion mula sa Commission on Audit (COA).
Ayon sa COA, maayos at patas ang pagkakalahad ng financial statements ng ahensya para sa 2025 at 2024. Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta na patunay ito na nakakamit ng ahensya ang magandang resulta habang pinananatili ang mataas na pamantayan sa integridad, pananagutan, at maayos na pamamahala ng pondo ng mga miyembro.
Noong 2025, nagtala ang Pag-IBIG Fund ng ₱1.23 trilyong kabuuang assets at naglaan ng ₱64.34 bilyong dividend para sa mga miyembro nito.
📸: Pag-IBIG Fund




