Nagtatag ang Department of Energy (DOE) ng isang joint task force para isulong ang plano ng administrasyon ni Marcos Jr. na alisin ang system loss charges at value-added tax (VAT) sa mga bayarin sa kuryente.
Ayon sa DOE, kasama sa task force ang Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA), at mga electric cooperative na magsusuri sa mga kailangang regulasyon at panukalang batas para maipatupad ang plano.
Layunin nitong mapababa ang singil sa kuryente, maprotektahan ang mga consumer, at mapabuti ang serbisyo sa sektor ng enerhiya.


