Wasak ang harapang bahagi ng isang kotse matapos sumalpok sa kasalubong na wing van sa National Highway, Barangay Dabong-dabong, Valencia City, Bukidnon nitong umaga ng Miyerkules, Setyembre 2.
Ayon sa imbestigasyon, nakatulog umano ang driver ng kotse kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa wing van. Malaki ang pinsalang tinamo ng dalawang sasakyan.
Samantala, nagtamo ng major injury ang driver ng kotse habang nabalian ng paa ang kaniyang ina. Kapwa dinala sa malapit na ospital ang mga biktima. | via Pepito Artianza



