Humingi ng pag-unawa at pasensya si Presiding Officer Sen. Chiz Escudero sa mga senator-judge at sa publiko dahil sa mainit na palitan ng diskusyon ng dalawang panig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
“Para sa kaalaman din po ng kapwa ko senator-judges at mga sumusubaybay, mahirap na nga po na may dalawang abogado nagkakaroon ng tagisan ng talino, gawin pa nating tatlo. Kaya pag-unawa lang po at pasensya ang hinihiling namin,” saad ni Escudero.