Kinuwestiyon ni Senator-Judge Panfilo Lacson ang kakayahan ni Col. Manaros Boransing II bilang testigo sa impeachment trial kaugnay ng ilang intelligence matters na may kinalaman sa mga aktibidad na umano’y pinaggamitan ng confidential funds.
Kasunod ito ng pagtanggi ni Boransing na sagutin ang ilang tanong dahil hindi umano siya isang intelligence officer at hindi makapagbibigay ng tamang sagot.
