HINDI SOLUSYON ANG RELIEF
Parusa sa mga residente ng Sitio Batasan, Brgy. Colgante sa Apalit, Pampanga ang abot-dibdib na tubig-baha bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Hinaing ng video uploader na hindi solusyon ang pagbibigay ng pamahalaan ng relief goods sa sitwasyon na kanilang pinagdadaanan.
Aniya, dapat nang aksyunan ang mga suliranin sa flood control upang hindi na lumubog ang mga probinsya sa Luzon sa panahon ng tag-ulan.
📹: Busog Diaries w Cherril


