Sinisisi ng ilang residente sa Olongapo City ang isang solar farm project bilang posibleng sanhi ng matinding pagbaha sa kanilang lugar nitong kasagsagan ng habagat.
Anila, nagsimulang lumala ang baha matapos itayo ang proyekto sa kalapit na bundok, kung saan libu-libong puno umano ang pinutol.
Ang naturang proyekto ay ang 284-hectare Phase I ng Solar Farm Project ng AP Renewable Corporation, na pagmamay-ari ng Aboitiz Renewables Inc. Inaprubahan ito noong 2022 at natapos noong 2025.
Itinanggi naman ng Aboitiz Renewables at DENR na direktang sanhi ng baha ang proyekto at sinabing nagpatupad sila ng mga hakbang tulad ng drainage system at pagtatanim ng mga puno upang mabawasan ang epekto ng pagbaha.
📷: Solengergy Solutions PH / FB



