Natukoy ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) na sampung lungsod sa National Capital Region ang may “very unhealthy” o lubhang hindi ligtas na hangin.
Kabilang dito ang Quezon City, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Pasay, San Juan City, Taguig, at Valenzuela, na may 150 hanggang 200 Air Quality Index (AQI).
Samantala, “acutely unhealthy” o mapanganib sa kalusugan ang kalidad ng hangin sa Parañaque City at Las Piñas.
Ayon sa DENR, posibleng nakaapekto rin dito ang usok mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia.
Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga bata, senior citizen, buntis, at may sakit sa puso o baga, na magsuot ng face mask at manatili sa loob ng bahay.
