Nahanap na ang isa sa apat na indibidwal na nawawala matapos mahulog ang kanilang sasakyan sa Tarlac River nang gumuho ang Agana Bridge noong Sabado, Agosto 29, ayon sa Tarlac LGU.
Nakita ang bangkay ng biktima sa Barangay Carael, Dagupan, Pangasinan. Tatlo pang sakay ng sasakyan ang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa mahigit 35 kilometro ng Tarlac River ang pinaghanapan ng mga responder at pinalawak pa ang search and rescue operations hanggang Ablang Bridge at Paniqui Bridge.
Ipagpapatuloy ng mga awtoridad ngayong Martes, Setyembre 1 ang paghahanap sa tatlo pang nawawala.
📷: Philippine Coast Guard
