Nahuli ang isang 33-anyos na indibidwal dahil sa umano’y pagbebenta ng hinihinalang ilegal na droga. Matagal na umanong minamanmanan ng mga awtoridad ang suspek.
Nakumpiska sa kaniya ang ilang sachet ng hinihinalang ilegal na droga na isinailalim sa pagsusuri at pagproseso bilang ebidensiya.
Posibleng maharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, depende sa resulta ng pagsusuri at imbestigasyon.
📷: Dinas MPS | via Eric Bachiller


