ABISO SA MGA MOTORISTA:
Pansamantalang idinivert sa Balagtas Exit ang mga Class 1, 2, at 3 vehicles pa-northbound at pinapayuhang dumaan sa Maharlika Road patungong Central Luzon Link Expressway (CLLEX) ngayong Martes, Setyembre 1.
Kasunod ito ng tumataas na lebel ng tubig sa Pampanga River na nakakaapekto sa bahagi ng NLEX San Simon.
Samantala, sarado naman ang northbound entries patungong Sta. Rita at Pulilan, ayon sa NLEX Corporation.
📷: NLEX Corporation
