AI PHOTO ‘YON; WALANG EARPIECE SI ORTONIO
Nilinaw ni Presiding Officer Sen. Chiz Escudero na artificial intelligence (AI) generated ang kumakalat na larawan ng testigong si Lemuel Ortonio, ang kasalukuyang Assistant Secretary at Assistant Chief of Staff ng Office of the Vice President (OVP), na may umano’y suot na earpiece habang tumetestigo sa impeachment trial.
Ayon kay Escudero, isang front folded helix na hikaw umano ang suot ni Ortonio at hindi isang earpiece.
Pinaalalahanan ng senador ang mga witness na dapat nakabatay mismo sa kanilang nalalaman ang kanilang salaysay sa korte at hindi ito dapat naiimpluwensyahan o tinuturuan ng anumang panig o sinumang indibidwal.


