Napatunayang guilty ang 63-anyos na si Duane “Keffe D” Davis, former boss ng isang gang, sa pagpatay sa rapper na si Tupac Shakur matapos siyang hatulan ng Las Vegas jury ng first-degree murder with a deadly weapon.
Binaril si Tupac sa isang drive-by shooting sa Las Vegas noong Setyembre 7, 1996, at namatay makalipas ang anim na araw. Inakusahan si Davis na nagplano at nag-utos ng pag-atake, bagama’t hindi siya ang umano’y mismong bumaril.
Si Davis ay inaresto at kinasuhan noong 2023, halos 27 taon matapos ang pamamaril. Nahaharap siya sa posibleng habambuhay na pagkakakulong at nakatakda ang sentencing sa Oktubre 13.
📷: ANPK


