TRAFFIC ADVISORY:
Nire-reroute ang lahat ng Class 1 vehicles sa Balagtas Exit ng NLEX simula 11:24 ng umaga ngayong Martes, Setyembre 1 dahil sa pagbaha. Tanging mga bus at truck ang pinapayagang makadaan.
Ayon sa NLEX Management, nasa 12 pulgada pa ang lalim ng baha sa bahagi ng San Simon Interchange, kaya nananatiling apektado ang daloy ng trapiko.
📷: NLEX Corporation
