11 SUGATAN SA PAGSABOG NG CAR BOMB SA MEXICO
Nasugatan ang 11 katao matapos sumabog ang isang car bomb sa labas ng municipal police headquarters sa Ojocaliente, Zacatecas, Mexico, bandang 8:00 ng gabi nitong Lunes, Agosto 31.
Nakapinsala rin ang pagsabog sa humigit-kumulang 30 ari-arian at 13 sasakyan. Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente bilang posibleng retaliation ng isang criminal organization dahil sa pagkaaresto ng isa umano nilang hitman kamakailan.
📹: RT News


