Nagmistulang dagat ng mga inabandunang tent, camping chairs, plastic bottles, at iba pang basura ang campgrounds ng isang Reading Event sa United Kingdom matapos dumalo ang mahigit 100,000 katao.
Tinatayang daan-daang toneladang basura ang kailangang linisin matapos ang event. Kasalukuyang nagsasagawa ng malawakang cleanup operation ang volunteers, waste collectors, at heavy equipment operators.
May mga programa rin para sa pag-repair at pag-recycle ng camping gears upang mabawasan ang basurang napupunta sa landfill.
📹: The Big Ladder Photographer


