HEALTH UPDATE:
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-release ng ₱10.38 bilyon para sa pagpapatupad ng Zero Balance Billing (ZBB) program na layong mabawasan ang gastusin sa pagpapaospital ng mga Pilipino.
Sakop ng pondo ang mga piling DOH hospitals sa Metro Manila, mga regional at iba pang government health facilities, pati na ang anim na pilot LGU hospitals.
Hangad ng programa na matulungan ang mga kwalipikadong pasyente na makatanggap ng covered health services nang minimal o walang bayarin sa ospital, alinsunod sa mga umiiral na guidelines.
📷: PNA


