SCAM ALERT:
Muling nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga online scammer na nag-aalok umano ng ₱6,500 financial assistance kapalit ng personal na impormasyon.
Ayon sa DSWD, hindi bahagi ng kanilang proseso ang panghihingi ng mobile number, address, at iba pang personal na detalye sa pamamagitan ng private messages.
Pinapayuhan ang publiko na huwag basta magbigay ng impormasyon online at tiyakin muna ang mga anunsyo sa official verified social media accounts ng DSWD.
📷: DSWD

