DAM UPDATE:
Bubuksan ang dalawang gate ng San Roque Dam sa Pangasinan ngayong Miyerkules, Setyembre 2, matapos umabot sa 283.68 metro ang lebel ng tubig nito, ayon sa PAGASA.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa ilog at nakatira sa mga mabababang lugar na mag-ingat dahil sa posibleng pagbaha.
📷: PIA Pangasinan File

