Ito ang naging tugon ni PCO Usec. Claire Castro matapos tanungin kung hindi ba mabagal kumilos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng galit ng publiko kaugnay ng mga krisis sa bansa.
Ayon kay Castro, hindi mabagal ang pamahalaan. Marami lamang umanong dapat ayusin sa bansa na hindi naiayos sa loob ng apat na dekada.
Dagdag pa niya, ginagamit lamang umano ng ilan ang isyu ng baha para tuligsain ang Pangulo. | via Madelyn Villar-Moratillo