Nakumpiska ng pulisya ang 250 master cases ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱14 milyon sa isang anti-criminality checkpoint sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte, bandang 11:40 ng umaga nitong Martes, Setyembre 1.
Arestado ang dalawang suspek na sakay ng wing van. Dinala sila ng pulisya kasama ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon at paghahanda ng mga kaso sa paglabag sa Republic Act No. 12022 at iba pang batas.
📷: PRO-BAR
| via Ely Dumaboc



