Patuloy na mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagtaas ng hospital admissions at medical consultations dahil sa haze na nakaapekto sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas mula sa wildfires sa Indonesia.
Ayon sa DOH, maaaring magdulot ang haze ng ubo, iritasyon sa ilong at lalamunan, hirap sa paghinga, at paglala ng hika. Sa ngayon, wala pang naitatalang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng naoospital o nagpapakonsulta dahil dito.
Pinapayuhan naman ang publiko na bawasan ang exposure kapag mababa ang air quality at gumamit ng N95 o katulad na mask kung kinakailangang lumabas.


