Natagpuan ng mga awtoridad ang isang sasakyan sa ilog sa Boulevard, Brgy. San Vicente, Tarlac City, malapit sa Ninoy Aquino Bridge, ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
Isang gulong lamang ng sasakyan ang nakalitaw sa tubig, ayon sa mga awtoridad. Pinaniniwalaang ito ang SUV na nahulog sa gumuhong Agana Bridge noong kasagsagan ng malakas na pag-ulan at may lulang limang katao.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga rescuer upang maihaon ang sasakyan at makumpirma kung ito nga ang hinahanap na sasakyan. | via Jim Tejano



