Itutuloy ng Department of Education (DepEd) ang National Simultaneous School Safety Drill bukas, Setyembre 3, sa kabila ng pagtutol ng ilang mental health group.
Ayon sa DepEd, layunin ng drill na ihanda ang mga paaralan sa posibleng banta nang hindi nagdudulot ng takot o trauma sa mga mag-aaral.
Sa gagawing drill, ipinagbabawal ang paggamit ng totoong baril, kunwaring putok ng baril, pekeng biktima at iba pang sobrang makatotohanang elemento.
Makikipagtulungan din ang PNP sa mga paaralan upang turuan ang mga guro at magulang na makilala ang mga senyales ng marahas na pag-uugali sa mga estudyante.
📷: DepEd DRRMS


