Tinanggal ng Sandiganbayan Fifth Division si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang akusado sa kasong plunder at graft na isinampa laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Pinayagan ng korte ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na alisin si Bonoan matapos siyang magpahayag na handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon. Nais ng Ombudsman na maging state witness si Bonoan laban kay Estrada at sa iba pang akusado.
Matatandaang iniimbestigahan sila kaugnay ng umano’y ₱573 milyong kickback mula sa mga flood control project.
📷: Senate


