Suportado ni Department of Education Sec. Sonny Angara ang pag-regulate o kung kinakailangan ay pag-ban sa mga violent online games.
“Yung ibang games, yung GoreBox, I think very violent talaga ’yun dahil ang point ng larong iyon is to organize gangs and to inflict harm. ’Yung mga ganoon, palagay ko dapat i-ban, or i-regulate na talaga," saad ni Angara.
Aminado rin si Angara na dumadalas ang insidente ng karahasan sa mga paaralan at ikinabahala rin niya na nagre-recruit online ang mga extremist group kung kaya’t kinakailangang magdoble-ingat para sa mga estudyante.
📷: DepEd

