Kinuwestiyon ni Senador Robinhood Padilla ang timing ng pagpapakulong kina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada, gayundin ang isasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa 2019 SEA Games kung saan si Sen. Alan Peter Cayetano ang nagsilbing chairman noon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee.
Ito ay kasunod ng naging pahayag ni NBI Director Atty. Melvin Matibag tungkol sa naturang isyu, ilang araw bago ang nakatakda niyang pagharap bilang testigo sa Senate impeachment court sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.


