Itinuturing na ngayon ng pulisya na person of interest ang Filipina partner ng pinaslang na American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter at ang kapatid nito matapos umanong magbigay ng magkakasalungat na pahayag sa imbestigasyon.
Ayon sa pulisya, wala ring nakitang palatandaan ng forcible entry sa bahay ng biktima kaya hinihinalang kabisado ng mga suspek ang lugar.
Patuloy namang sinusuri ang mga nakuhang ebidensya, kabilang ang mga CCTV footage, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa krimen. | via Vic Somintac
📸: PNP Negros Oriental



